hinding hindi ko malilimutan yung nangyari noong linggo. ano yun? kinausap ako ni Rep. Gilbert Remulla! :D hahaha! saglit lang naman yun, nagtanong lang siya tungkol sa academic life ko. siyempre hindi ko naman maibalik sa kanya yung mga tinanong niya, dahil alam niya na alam ko na yung mga isasagot niya. nangiti na lang ako sa kilig, pareho sila ng kapatid niya na perpektong halimbawa ng tall, dark and handsome, samahan mo pa ng smarts, guts at values.
ngayon ko lang na-appreciate ang allie ng tatay ko sa mga Remulla. na-appreciate ng buong buo. dati kasi, mga 3 taon nang nakaraan, ininbitahan niya yung kapatid ni Gilbert, si Jonvic sa Amadeo, kung saan merong munting kainan sa bahay ng mga pinsan ko. madali na lang hulaan ang reaksyon ko at ng mga babae kong pinsan. pero siyempre hindi namin pinakita sa kanya na sobrang kinikilig kami. nung umalis siya, saka namin pinag-usapan.
No comments:
Post a Comment