Well... well...well...
Dahil sa harteyk at hartbreyk na naganap sa aking buhay, isang bagay lamang ang makakapagpaligaya sa akin. (teka.. baka malaswa yang iniisip mo ah!). Ito ang pagkakaroon ng crushes. Teka.. ano ba ang katangiang gusto ko sa isang lalake para sya ay maging crushable?
- may takot kay Lord at kay Santa Klaws.
- sya ay kwela, mabait, at may sense of humor... marunong kumain ng bubog at lumunok ng manok.
- may respeto sa kababaihan. Isa sa pinaka ayaw ko sa isang lalaki ay ang bastos at walang respeto lalo na sa kababaihan. Kung ako lamang ang nanay ng mga ganong klaseng lalake, avah! Ako na mismo ang puputol ng pototoy nila dahil simple lang ang ibig sabihin ng ganong ugali... Bading sya at wala nang saysay pa ang pagkakaroon nya ng ting-a-ling-ding-dong.
- sasakay sa mga kalokohan ko sa buhay.
- understanding.
- sweet ^_^
- magaling magsulat. O kaya ay magbabasa ng aking mga sinusulat.
- magaling mag-gitara at tutugtugan nya 'ko habang ako naman ay kumakanta. Kung natagalan nya ang mala-kulog na boses ko eh pwede na...
- makakasama kong gumawa ng mumunting mga bagay... gaya ng pagkain ng icecream habang nagmumuni-muni, pagsa-star gazing, pag mu-movie marathon, pag-inom ng hot chocolate habang nagtatampisaw sa ulan at pagsagot sa aking mga "Knock Knock Who's There".
- ikukwento nya sa akin ang lahat ng bagay tungkol sa kanya... wala syang itatago... kahit ang mga mababahong side ng kanyang pagkatao. Kahit ang pagkakaroon nya ng dugong chanak o di kaya'y ang kanyang kulay pink na brief.
- makikinig sa mga problema kong mala-telenovela.
- simpleng mayabang pero hindi mahangin.
- hindi super duper gwapo... ayoko ng maraming kaagaw.
- mapagmahal.
- medyo kamukha ni Keanu Reeves at Ben Affleck. Medyo kahawig din ni Quasimodo.
Hayan at nasabi ko na ang ilan sa listahan... kung ikaw ay may dalawa hanggang lahat na katangian sa mga nabanggit, ipadala ang iyong resume at 1x1 whole body picture sa aking e-mail. Ang mga mapipiling kalahok ay magkakamit ng trip to Jerusalem for seventeen at ang aking mahiwagang PAGHANGA. ^_^
galing sa artik ni Blanca rin, "SA...." May 27, 2007:
Sa pagbabasa ko ng KWENTONG TAMBAY ni Nicanor David Jr. aka BatJay, nalaman kong ang itsura pala ng pototoy na jupots pa ay mukhang ice candy na may bonet. Biruin mo!! Ice candy na may benot pa?!
Buti nalang at wala akong nakitang ice candy na may bonet sa Oblation Run... hasus...
No comments:
Post a Comment