4.24.2007

the quiet

may isang bagay ngayon na gusto kong maranasan. hindi biruan to a, gusto ko ma-experience kung pano maging pipi/bingi (mute/deaf). o kaya yung buong buhay mo akala ng lahat ng tao pipi/bingi ka pero nakakapagsalita/nakakarinig ka naman.

pano kaya yun? akala nilang lahat disabled ka. pano pag sinabi sayo ng lahat ng tao mga sikreto nila? tas alam mo lahat yun. o kaya may mga sinasabi sila na akala nila hindi mo naririnig pero naririnig mo naman...? tas malalaman nila bigla na nakakarinig ka naman pala.

gusto ko maranasan yun, kahit isang araw/linggo lang.

*****

may natuklasan akong mahalagang bagay (para sakin) ngayong araw na to. classical pianist ako. nalaman ko to habang tinutugtog ko ang Moonlight Sonata ni Beethoven kanina matapos ko marinig 'to sa tv bilang background.

(si Beethoven nga pala'y bingi sa huling 20 taon ng buhay niya. kitams. ang galing. nakapagcompose pa siya nung mga panahong yun a. wala ka nang ibang magagawa kundi magtaka. see above)


kahit gaano karaming piyesa ng mga tipo kong modernong kanta ang meron ako ay klasikal parin ang hilig ko. yung tipong 200-300 taon nang pinaglipasan ng panahon.

makukumpleto lang lahat ng pangarap ko pag nagkaron ako ng short grand piano sa sarili kong bahay. pangako ko sa sarili ko bibili ako nito pag may trabaho na ko. sobrang mahal ba naman. 300K ang pinakamura. pero gusto ko bechstein, steinway & sons, pleyegel (brand ng piano ko), o bosendorfer.