3.04.2007

ilugin

ngayon ko lang naalala na hindi ko pa nababanggit sa munti kong blog ang mga tinuturuan namin nila Gel, Anne at Katrice sa Ilugin Elementary School (sa isang lupalop sa Pasig). NSTP namin.

sa susunod na sabado na kasi ang huling pagpunta at pagtuturo namin 'dun. naluluha tuloy ako. pwera biro. naluluha talaga ko ngayon. naalala ko kasi yung isang studyante namin, si Tonton (Antonio Salva). grabe. sobra siya magsikap para matuto magbasa ng maayos, tapos ang nakakaiyak pa dun e madalas siya paiyakin ng mga bully. inaasar na bading siya. tingin ko'y hindi naman.

nagkukuwentuhan kami nila Anne at Tonton kahapon, tinatanong - tanong namin si Tonton tungkol sa family niya, mga trabaho nila. tapos napaisip na lang ako. binulungan ko si Anne, "hindi ko kaya yung ganun...". sabi naman ni Anne, "oo, no? di ko rin kaya yung ganun...".

sa loob ng isip ko naman pinagdadasal ko na 'wag ako tanungin ni Tonton tungkol sa pamilya ko at trabaho ng mga magulang ko. magiging awkward kasi, bata pa siya, umiikot ang buhay niya sa Ilugin lang, baka hindi niya maintindihan kung bakit magkaiba kami...

tapos meron isang bata, si John Andre, grade 1 siya. binibisita niya yung kuya niya kahapon na grade 5 sa fifth floor, kung nasan kami (5th graders kasi na-assign saming ng partner(s) ko). ang kyut kyut!!! hinabol ko pa yun dahil ayaw niya magpabuhat. grabe ang liit niya, ang kulit pa. :D may picture sila ng kuya niya sa baba.

osiya, tama na ang kwento, eto na ang mga letrato:

Photobucket - Video and Image Hosting

Tonton


Photobucket - Video and Image Hosting

nakasulat sa blackboard, "Welcome Ate Gel, Anne, Jane and Kat. I love you." kitams. naging Jane pa ko. hahah!! :D tapos ung drinowing nila kami sa loob ng pusong malaki.


Photobucket - Video and Image Hosting

magkuya - John Andre & John Elgriv


Photobucket - Video and Image Hosting

Tonton, Mark, Sarah Jane, Jonavil, Andre, Elgriv


actually marami pang hindi nakasama sa kodakan. absent kasi sila. 12 kids kung kumpleto lahat.

so yun. masaya ang experience, nabigyan ako ng bagong insight sa buhay. bagong inspiration(s). :D mamimiss nga lang namin yung mga yun. :c

3 comments:

Anonymous said...

cute taLaga nung grade1.... hihihi... >.<

garnet said...

hindi ko sila mamimiss. haha.
langya. di napasok yung amin.
katamad.

Jennifer said...

mga gurang na kasi ung mga inyo eh. heheheheh. :D ayos lang yan. at least tapos na di ba.