3.10.2007

dilemma

matagal - tagal ko rin kinumbinsi ang sarili ko na hindi masakit magpakuha ng dugo sa blood letting noong thursday sa G.A.B. ayon na eh. hawak ko na 'yung papel. kumain pa ko para hindi ako mahimatay habang kinukuhanan ng dugo. kasama ko na yung kaibigan ko para hindi lonely. tapos hindi pwede! dahil sa isang extrang butas sa tenga. akala ko bawal lang magdonate ng dugo sa loob ng 3 buwan pagkatapos magpabutas. forever pa ata.

siguro naman may pag-asa pa na pwede magbigay ng dugo pag nagsara na yung butas...? kaya lang sayang naman ang pag-iinda ko ng sakit noong bago-bago pa 'to. ano'ng gagawin ko?!

meron pang isang dilemma, pero akin na lang yun, nhihiya ako eh...?!!!!

anlanjot no?

eniwey, huling NSTP na kanina. alam nyo ba, alam nyo ba? madaming awards na nakuha si Tonton! ang peyborit namin nila Anne at Katr(w)ice. yehey!!! at eto pa, yung mga nakuha niyang prices ibibigay niya sa 10 kapatid niya. ayos, di ba?

pero dabest parin tatay ko. yey!! (daddy! salamat!! :D)
oo. spoiled na kung spoiled.

new ripway music -> Yellow by Petra Haden and Bill Frisell

No comments: