dahil napapansin nilang atat na atat na ko magkaroon ng non - pro driver's license kahit magse-17 pa lang ako sa pebrero (pwede na pero dapat mayroon muna akong student's license. pero wala ako nun ngayon.), nangako na silang ibibigay sa'kin ung bagong Altis namin pagkapasok ko sa med school.
Oo, hindi na bago yun after four years, pero gustong gusto ko parin, ganda eh, tipid pa sa gas, kahit ginto na ang petrolyo. Bibili na lang ng bago ang nanay ko para sa kanya. bakit hindi na lang ako ang ibili ng bago? tssss
mas naatat ako.
pero ewan ko ba sa nanay ko, ewan ko kung gusto niyang maatat ako o ano. sabi niya, "Tingnan mo nga kami ng ate mo, muntik nang mamatay habang naddrive siya. Dito kami nabangga nung jeep na un. Hindi madali magdrive." nagddrive kasi si ung nanay ko habang sinasabi niya yun. tinatawid niya yung kotse sa highway, dahil pupunta kami sa dok dahil inaapoy ako.
sabi nya naman pagkatapos nun, "Pero kelangan mo un kung magme-med ka." Gatong naman ako, "Onga mommy, ung mga med students dun samin merong mga kotse."
ZFS 759, magiging plate kita. hintay hintay lang.. bwahahaha!! *.*
nandun pa rin ang nangungunang rason ko. ano un? masdan mo ang mga kababayan natin at malalaman mo. fuck the money. it's all about the lives.
katuwa. ito'y isa sa mga pagkakataon na ang cerebellar convolusions ang puhunan.
sana tama ang ginamit ko na term sa taas. nabasa ko naman yan kung saan dati.
*****
"To forget one's purpose is the commonest form of stupidity.”-nietzsche
3 comments:
aba, may motivation ka na ah. reinforcement! instrumental conditioning... may reward pag pumunta ka ng med school. ayos ka ah.
btw, ano ang 'inaapoy'?
inaapoy sa sakit.. hehehe
since nag-psych na si jill, philo naman tayo.
argumentum ad invidiam is a fallacy which appeals to man's lower passions. in short and layman's terms, suhol.
it works like this: you make use of a person's weakness to make him/ her agree/ acquiesce with what you want.
example:
i want a grade of 1 in sociology. my prof is fond of anything vanilla. i give her a set of vanilla bath products. kumbaga, sinusuhulan ko siya gamit yung weakness niya para makuha ko yung gusto ko. =)
Post a Comment