Nung super busy sa school kasi 3 linggo akong hindi umuwi, kaya malay ko bang nanganak na pala si Nana. 4 puppies lahat - Dolce, Viktor, Gabbana, Rolf - hahahaha - si Jamie nagpangalan dyan. Si Viktor (white) at Gabbana (brown):
Cute no? Meron din palang bagong pusa si Tune, maliit pa sya na white. Ang pangalan naman Saddam. Hahaha. Hindi ka talaga mababagot dito sa bahay!
Sabi rin pala ng mga tao, masyado akong pasugod magmaneho. E ano ba, wala pa naman akong nababangga kaya go!
Saka nga pala friends, I strongly recommend the movie Love of Siam (Thai movie). Kung gusto nyo ng movie na kasing lakas ng Windstruck ang dating. Nakakamove yan, tagaktak ang luha ko. Pero kung homophobic kayo wag na.
No comments:
Post a Comment