naalala ko lang, kahapon kasi sa "sex"- sinangag express sa pedro gil ako kumain kasama ng ilang blockmates at merong matandang nagtitinda ng alkansya... may ginawa na naman akong kakaiba, kahit friday na at naghihirap na ko, ayan na naman at lumalabas ang philantropist genes ng tatay ko.
naalala ko rin nung isang araw, naglalakad ako sa leon guinto papuntang faura - sa a.s. nang makakita nanaman ako ng domestic violence sa sidewalk. nagagalit yung tatay dahil umiiyak ang anak niya, "anong gusto mo? magandang buhay?" yung anak nakacurl na nakaupo habang pinapalo siya ng patpat ng tatay niya. buti nga wala akong kasama kundi nawirduhan na naman yun dahil sa luha ko. tulad kahapon si majo buti naman ok lang sa kanya kahit simpleng tumatawid kami ay lumuluha ako. mukha tuloy pinaiyak ako ni majo. hehe.
at kanina habang nasa bus ako pauwi dito sa bahay namromroblema ako kung pano maiaangat lahat ng nagugutom sa Pilipinas. tapos naisip ko na vinoice-out ko yung problema kong yun sa iba eh ireject lang nila at sabihin na wag ko pag-aksyahan ng brain cells yun kasi di ko naman kontrolado yun.
e pano tayo uunlad kung lahat tayo ganun mag-isip dahil akala natin wala tayong magagawa?
---
sa makakabasa nitong post na to, weird lang talaga ko minsan pagdating sa awa, pero hindi naman masama. hehe..