wow. eto na naman ang mga sitwasyon na madedepress ka talaga. bakit hindi na lang magkaintindihan lahat ng tao, lalo na yung mga mahalaga sayo, kung pareho lang naman ang gusto nilang mangyari? sino ba kasing nakaimbento ng pride na yan.
('friend', sinabi mo sakin dati na nag-iba ako sa kalagitnaan ng second sem, gusto ko sanang sabihin sayong sana maisip mo na may ibang pinanggagalingan pero ayokong ishare kahit kanino kung ano yun kaya hindi ko na lang sinabi. so yun, iniwan nyo ko dahil hindi niyo ko maintindihan. akala niyo tungkol lang sa isang tikre (-sorry, yun ang unang pumasok sa isip ko) lahat ng yon. pero nag-usap na tayo, siguro hindi na mahalaga yun ngayon.)
friends, pasensya na at nagkaron kayo ng emotionally unstable na kaibigan. pero mahal niyo naman ako kahit anong mangyari diba? siguro after 5 years ko lang masasabi sa inyo kung ano yung totoong dahilan. o hindi na. hay, ang gulo talaga.
No comments:
Post a Comment