Ngayon ko lang natanto ang effort ni Rod last year. Mas mahirap pala talaga makabisa ang Secondo part ng duet, kahit pareho lang sila ng level ng Primo.
Kasi kung Primo ka, kadalasan mas matataas yung octave na tutugtugan mo, at dahil mas mataas yung octave, mas maririnig yung tugtog mo. Kung baga ikaw yung nagdadala ng melody sa piesa. Pag Secondo ka naman, mababa yung mga octave na tutugtugin mo, parang bass player ka, pero imbis na isang daliri lang tulad ng totoong bass guitar ay 2 kamay ang gagamitin mo, puro chords na ininvert sa kung anu-anong pusisyon at syempre iba rin yung rhythm kung ikukumpara sa Primo, para mas maraming tunog. Mahirap kabisaduhin ang bass part kasi wala kang melody na sinusundan, kung baga sa dula, props ka, pangpaganda lang sa kwento.
Ayun nga, Secondo ako ngayong summer na to, hindi ko kilala yung partner ko, di ko natanong yung pangalan. Hungarian Dance No. 5 ni Brahms ang tugtugin namin. Parang nangaasar ang mga bagay bagay, kasi tinalikuran ko na ang pagtugtog ng bass dahil masyadong maliit ang daliri ko para sa malalapad na fret non. Pati rin hindi ako magsosolo sa pagkakataong to, kasi ayoko tugtugin ditoyung piece na pinapatugtog sakin. Hindi bagay sa makikinig, basta.
Masaya sana kung maagang binigay sakin ni Mrs. Austria yung Tales From The Vienna Woods ni Strauss, Primo ako dun. Kay Rod nya binigay yung Secondo. Ang maganda ke Rod ay siya ang natugtog ng Secondo. Hahaha. Hindi ako gaanong nahihirapan magkabisa. Nung monday lang kasi niya binigay. Abalang abala pa ko sa pagkakabisa nung kay Brahms kaya di na namin matuunan ng pansin yung kay Strauss. Sayang talaga. Naiimagine ko na yung nanay ni Rod mamaya. "Jenny!!!"
*Magiging masaya ako bukas. Aakyat na naman ako sa highlands - alma mater, tapos kina Alexis (fiesta), tapos kina Riel. Hehe. Yey! =)