12.20.2007

highlands

hindi ko alam kung ibang level lang talaga yung lamig kanina sa tagaytay, o nasanay na ko sa mainit na panahon sa maynila.

nakakapagtaka kung iisipin ko na nakatagal ako ng apat na taon doon araw-araw noong highschool na walang jacket kahit tag-ulan pa. pati last time na pumunta ko dun nung sembreak bahagya lang naman akong nilamig. tapos kanina manginig - nginig na ko sa sobrang lamig ng hangin. hindi naman ganito nung mga nakaraang december e, mild pa ng konti. kanina kasi, dahil sa lakas ng hangin e yung mga vase pati yung mga porcelain kitchenware natumba, yung iba nabasag pa(hindi kasi agad nila sinara yung sliding doors).

hindi naman kaso ang attire dahil nakapalda ako kanina ng kasing haba ng palda namin nung highschool.

ohwell.

(i might spend more time with my friends there so i guess i'd get used to the cold all over again.)

No comments: