2.10.2007

12-17

nakakainis. kung kelan naman linggo ng UP fair, naging toxic pa ang buhay akademiko ko. >=[ . hindi na nga ko makakapunta sa FairSt Night (dahil ang tapos ng Math100 exam sa mon ay 7.30), malabo pa na makapunta ko sa mga araw na susunod. ang malas naman. Sayang ang backstage access!

wala kasing mangyayari sayo dun kung hindi ka nagpaka-nerd. Philo 1 exam - monday, Math 100 exam - mon, Comm 2 requirements - tues, ip lab 121 reporting - wed, chem 14.1 exam - wed, ip 121 lab exam - sat (up until 7.30pm. mga sadista sila eh.). sinulat ko lang, baka sakaling may ma-cancel pag sinulat ko, tulad ng pagpplano, hindi natutuloy pag planado. hehe.

kawawa naman kami ng mga blockmates ko na (backstage) concert people. pero hindi groupies. nga pala, nagsawa na ko kay pochoy (dicta license vocalist). hehehe... tama pala ung horoscope ko sa Inquirer Libre nung friday. Natatabangan ka na sa kanya. hahah!!! sakto!

nawawala pa retainers ko sa taas. hindi ko na nadampot nung nagsipilyo ko bago ako umalis papuntang Manila nung isang sunday. nakita ng nanay ko sa sipilyuhan, nilagay niya sa tupperware, pagka-uwi ko nung weekend hindi na namin mahanap ung tupperware. sana magpakita na siya...

hm... at least i still have something(s) to look forward to. going to team manila with my girl blockmates and my birthday!!

[may tanong ako. ako lang ba ang naeexcite pag malapit na ang sariling birthday o lahat ng tao ganun?]

2 comments:

Anonymous said...

+ Gusto ko ring pumunta ng UP Fair! Pero, kung pupunta ako, baka gabihin naman ako. Ang curfew ng dorm ko ay 9:30pm eh.

+ Nagbabasa ka pala ng Inquirer Libre! Hahaha

+ Sana nga mahanap niyo yung retainer mo.

+ Kung hindi ako nagkakamali, sa 22 ang kaarawan mo?

+ Sa palagay ko, maraming nasasabik sa sarili nilang kaarawan. :-p

Jennifer said...

totoo nga... may nacancel kaming 1 exam.... pero sa saturday nilipat. hehe