6.28.2008

make poverty history

naalala ko lang, kahapon kasi sa "sex"- sinangag express sa pedro gil ako kumain kasama ng ilang blockmates at merong matandang nagtitinda ng alkansya... may ginawa na naman akong kakaiba, kahit friday na at naghihirap na ko, ayan na naman at lumalabas ang philantropist genes ng tatay ko.

naalala ko rin nung isang araw, naglalakad ako sa leon guinto papuntang faura - sa a.s. nang makakita nanaman ako ng domestic violence sa sidewalk. nagagalit yung tatay dahil umiiyak ang anak niya, "anong gusto mo? magandang buhay?" yung anak nakacurl na nakaupo habang pinapalo siya ng patpat ng tatay niya. buti nga wala akong kasama kundi nawirduhan na naman yun dahil sa luha ko. tulad kahapon si majo buti naman ok lang sa kanya kahit simpleng tumatawid kami ay lumuluha ako. mukha tuloy pinaiyak ako ni majo. hehe.

at kanina habang nasa bus ako pauwi dito sa bahay namromroblema ako kung pano maiaangat lahat ng nagugutom sa Pilipinas. tapos naisip ko na vinoice-out ko yung problema kong yun sa iba eh ireject lang nila at sabihin na wag ko pag-aksyahan ng brain cells yun kasi di ko naman kontrolado yun.

e pano tayo uunlad kung lahat tayo ganun mag-isip dahil akala natin wala tayong magagawa?

---
sa makakabasa nitong post na to, weird lang talaga ko minsan pagdating sa awa, pero hindi naman masama. hehe..

metronome for sale?

nafrufrustrate na naman ako. gusto ko ng metronome! dati eh naiinggit inggit lang ako sa madaming metronome sa music school ko pati sa dalawang metronome na nakalagay sa taas ng piano nila melay pero ngayon gusto ko na rin! yung analog syempre, hindi yung digital. at mas maganda rin sana kung may mga italian tempo terms na nakasulat gitnang column para mas madaling gamitin. tulad nung nasa unang picture. mahirap gamitin ang digital kung classic ka. anyway friends, pag nakakita kayo neto sa music stores o kahit saan, pakibalitaan na lang ako...




actually meron akong nakitang mga metronome sa ebay pero sa labas yun ng pilipinas. ayaw ko naman nun kasi baka malaglag-laglag at masira sa shipping.

6.21.2008

small world

hwokey. maliit lang pala talaga ang mundo. lalo pa ang pilipinas. posible palang hingin ng anak ng PNP Chief (Dir-Gen. Razon) ang number mo.

6.20.2008

hopeless post

Sayang, gusto pa naman kita.
-
Pero may nalaman ako tungkol sa'yo.
-
Hindi ko alam kung totoo, wala rin akong paraan para tanungin sa'yo.
-
Pero sa naiuugnay ko...
_-
Totoo nga ba? Pwedeng hinde? Wala naman akong magagawa.
--
Buti na lang hindi ko sinabi kahit kanino na kahit akala nila iba, ikaw talaga.
-
Kung hindi, napahiya na naman ako.
-
Wala namang silbi.
-
At malamang diba clueless ka din.
-
Magtinginan na lang tayo.
-
Hindi mo naman mababasa to, pero blog ko to kaya kahit pathetic wala kang magagawa.
-
Hayaan mo na.

6.18.2008

histo 4 excitement

yey!!! histo 4 na mamaya. (at dahil sa centennial ng UP, suspended hanggan 1pm mamaya ang klase ay nag-iinternet ako ngayon.)

3 rason kung bakit ako nasasabik sa histo 4:

1. 2 years ago na sinabi ni ren na bagay daw sakin ang histo 4, ngayong 3rd year ko lang na-take finally. eh kasi naman dati eh sobrang tinatamad ako lumihis sa schedule ng block kaya nagsipag na ko ngayon, huling ssp ko na to eh.

2. wala akong friends sa histo 4! (hindi ko alam, baka meron bigla, basta wala naman akong ibang kakilalang nagregister neto eh. saka hindi siya block - restricted.) an opportunity to meet new friends! bonus na lang kung may Morg akong maging classmate.

3. fun daw si Ma'am Jose. (tama ba angge, babae ba yun?). anyway, sabi ni angge sa experience niya, nag-enjoy naman daw siya so hopefully ako rin.

yun lang. =)