Since walang ibang laman ang isip ko ngayon kundi pharm chem 135 lab, yun na lang ang ibblog ko. Ngayon kasi, naffrustrate ako sa Gravimetry. Pati kay Ma'am Tan. Pero mas naffrustrate ako sa prelab para sa Gravimetry na gusto ko nang gawin kasi sa Tuesday ang pasahan. Ang dami kong kailangan basahin para sa isang prelab - nakapila na sila - Skoog, JENkins, Vogel (ohno. dapat hiniram ko si Chatten). Dahil isa akong tipikal na studyanteng naghahanap rin ng online sources dahil mas madaling hanapin, ginoogle ko rin ang topic ko. Puro naman mga tanong ng AS students na nagchchem 32 ang mga nakita ko.
So nagkaidea naman akong tanungin si Nas (biochem friend) tungkol dun. Baka sakaling nakapag-Gravimetry na sya dahil one time napagkwentuhan namin (habang dumudugo ang ilong ng nakikinig na si Paul) ang random titration at nasabi nyang nakapag-Quantitative Analysis na sila. Dapat talaga nakapunta ako sa GA kahapon para natanong ko siya. Pero hindi naman yun ang principle reason kung bakit gusto ko magGA. Alam kong lahat ng org members sinasabi to tungkol sa org nila: Masaya sa (name of org here). Pero pag sinasabi ko yun damang-dama ko talaga! As in. Buti talaga napa-MOrg ako kung hindi madadagdagan ang pagka-ngarag ko ngayon ng boredom, kawalan ng active musical life at higit sa lahat pag-miss ng parte ng buhay ko na dahil sa mga ka-org na napalapit na sa akin.
"Pag si Ma'am Toralba ang sumisita sa'yo, feeling mo tanga ka lang. Pag si Ma'am Tan, feeling mo bobo ka." - Jorge (habang nagshsharing kaming mga mgaka-lab)