10.26.2007

(hirap pa rin ako mag-isip ng title)

okay. una sa lahat, nakiki-sympatiya ako ke karen, sa kamalasang dinaranas niya ngayon mula sa mga stupid message senders. ano ba yan. may mga ganyan pa pala ngayon. grow up perv/s!

i-enumerate natin ang mga librong na natapos ko this week:
  • One Hundred Years Of Solitude - Gabriel Garcia Marquez
  • Of Love and Other Demons - Gabriel Garcia Marquez
  • Piano - Bob Kroepel
  • Chronicles of a Death Foretold - Gabriel Garcia Marquez
  • The Virgin Suicides - Jeffrey Eugenides
so na-realize ko na hindi ko talaga genre yung mga sinusulat ni marquez, nakakaintriga sila pero sa sobrang haba ng mga paragraph ay hindi ko nae-enjoy ang pagbabasa; saka maraming mga details na hindi naman significant sa buong story, yung mga ganun.. ung the virgin suicides naman, ganun din ang problema, sobrang daming in-elaborate na hindi naman kailangan pahabain, tapos sa katapusan hindi parin malinaw kung bakit nagpakamatay (swisayd. haha.) yung 5 magkakapatid.

[i'm craving to watch the movie version of the virgin suicides, though.]

*****

Here's my philosophy on dating. It's important to have somebody that can make you laugh, somebody you can trust, somebody that, y'know, turns you on... And it's really, really important that these three people don't know each other. - Brooke Davis, One Tree Hill

(loko talaga tong si Brooke. bad. wag kayo sumunod dun. )

10.19.2007

sembreak

yay! sembreak! (ito ang inspiration ko nung inaaral ko yung finals sa phch lab, comm, chem at physics...) eto na. grabe. i can so feel it. 5 days kang stressed tapos pagkagising mo the 6th day wala na lahat ng worries mo. ngayon ko lang naramdam yung kasabihang "itulog mo na lang yan, pag gising mo wala na yan."

at dahil sobrang atat ako matapos ang mga kahirapang dinanas ko nitong mga huling araw, sa gitna na pag-aaral ay nagawa ko pang magdaydream. (naisip kong i-enumerate dito yung mga pinagpantasyahan ko pero wag na lang, baka hindi lahat magkatotoo, nakakahiya. haha. T_T) yun na lang ang natitira kong problema ngayon, parang nasosobrahan na ang pagdadaydream ko.

eniwey, maguupdate naman ako pag may progress ako sa mga balak kong activities ngayong sembreak.

*****

binago ko yung nasa callout nung post sa baba nito. ahaha. :D