6.30.2007

halo-halo

HAPPY BIRTHDAY ROHANNA ELISE ROLLAN!!! aylabyu RO!!! Ü yehey... 18 ka na, pwede ka na makulong at mag'practice' (tanungin mo si Kayla kung anong ibig sabihin nun, ayaw nya sabihin sakin eh, di pa daw kasi ako 18. hehe... ) Ü Ü Ü

*****

kung hindi pa kayo nakakapunta sa Fully Booked sa Bonifacio High Street, punta na! bale 4 floors sya, hindi pa kasama dun yung basement na manga section (hindi ko pa rin naman napupuntahan yung basement dahil hindi pa bukas nung pumunta kami nila Kayla at Karen).

hindi ko pa malaman kung bakit, pero parang nawalan ako ng interes sa mga novel, saglit lang siguro 'to. pag matagal na 'kong di nakakabasa, baka bumalik na yung hilig ko.

nakapagtataka siguro kung bakit ko ine-endorse ko ang Fully Booked, kung iisipin mo na nababagot na ko sa mga nobela. kasi ganto, yung 4th floor ay music section (yiheeee!!!!). mga cds, lahat ng genre, mas kumpleto pa sa mga record stores. meron din mga libro na sinulat ng mga sikat na banda ngayon. pati meron din mga compilation ng mga classical immortals sa piano.

*****

nakakainis. napigtas yung strap ng CLN gladiator-sandal ko! wala pa ngang isang buwan yun sumabit lang sa upuan natanggal na (oi hindi fake yun ah...). >=(. ano ba naman yan?! huhuhu. sana pag nilagyan ko ng pardible hindi halata diba.

*****

uhuhuhuuhuuhu. nakakarelate talaga ko kay blanca (see previous post). para na nga kong tanga na pangiti ngiti kahit wala naman dapat ngitian. kinikilig sa imahinasyon, kumbaga. nakakalungkot nga lang din kasi nakakarelate din ako sa: Too good to be true. hayyy... =<

nababaliw na ata ako. pero hinde, hindi dapat, bata pa ko at marami pa kong dapat problemahin (i.e. chem18, pharm chem 125.1).

6.22.2007

yun din.

napangiti na naman ako sa bagong sulat ni chuchay, to wit;

PAG-IBIG NGA NAMAN...

Ang tao nga naman. Bakit ba ginawa ang pag-ibig? Eh nagpapa-corny lang naman ito sa buhay? Tignan nyo ko... ang corny corny ko nah! Anak ng tilapia! Sabi ko sa sarili ko dapat cool ako. Astig. Pero bat ganun? Sadyang tumutubo ang ka-cornihan sa aking sarili. Bakit kaya? Hmmm.... inlab ako mga fwendz... pero chikreto ko nalang kung sino.. Ahahaha... basta... natutuwa ako kapag nakikita ko ang kanyang smile. Nakakatunaw. Nakakaakit. Nakakatakam. Nakakalula. Nakakasabik. Nakakabaliw! (exagerated na ko maxado) ahahaha... basta... para syang anghel. Ang ganda pa ng eyes nya. Hala! Lumalandi nanaman ang lola nyo. Wasus. Pero sya ay malayo... malayung malayo... Hanggang tingin nalang yata ako. Hanggang pa-hello hello. Hanggang pabati-bati. Hanggang pakilig-kilig. Too good to be true kumbaga...

(yung mga naka-bold ako lang ang nagbold nun...)

*****

aynako!!! ch 18 nga ba yung sinabi ni sir mong na calculus talaga na nagkukunyari lang na chem? kasi 'tong si Ilao eh. ang bilis bilis. puro differential at pa-derive-derive at integral pa. akala ko pa naman tapos na. kelangan ko pa tuloy intindihin uli lahat ng calculus notes ko, oo, matapos ang dalawang buwan ay wala na kong matandaan.

bibili na ko ng bagong swimsuit, yung pang scuba diver o yung pang wrestler. para kahit sinong nanonood hindi ako mako-concious at malaya akong makakapagswim-swim. haha. swim friends, kung nababasa nyo to, sabihin nyo lang kung gusto nyo sumama. bibili ako sa wet shop o spf.

18 shots. 18 candles. bukas 18 wishes naman ang role ko. hayyy... sana matandaan na ng nanay ko...

masaya ako para kay angge, alam ko yung ganung pakiramdam. Ü haha!!!

6.16.2007

tikman ang langit

wala lang. yan ang title ng libro ni Angge na binabasa ko ngayon. ang subtitle - "An Anthology on the Eraserheads". simple lang yung libro, pero nakakakaaliw. may konting mga litrato, mga application forms ng mga miyembro nung nagsisimula pa sila. compilation kasi yung mismong libro ng mga essay ng mga fans at ng mga taong napalapit sa banda, dito ko nakitaa kung gaano kalaking impluwensya ang nagawa ng Eheads noong bata pa ko. na-immortalize sila ng kanilang musika.

pasukan na ulit. ano ba. iniisip ko kung anong mga nangyari noong wed, thur at fri pero puro mga pagkain lang ang nilalarawan ng utak ko. siomai, lechong manok, pinya, spag, turon, liempo, strawberry jam.

ok. may naisip na kong may koneksyon sa pag-aaral.

ang galing mang-intimidate ni Ilao, yung bago kong prof sa chem 18. ayon sa chismis, galit daw siya sa mga taga-CP. hindi naman ako sa kanya natakot. ayon nga kay ma'am Ambojia (na kasing-appeal ni Ilao), wala kang dapat ikatakot kung wala ka namang ginagawang masama. ayon. pero sa subject niya ko nag-aalala. pati sa subject sa susunod na taon na siya at si Mr. Lee ang magtuturo.

next week siguradong mamromroblema na kami.

mas maganda ang BURGUNDY kaysa cityland. oyeah!!

6.02.2007

You Stole My Money Honey

RULES:
1. Put your music player on shuffle.
2. For each question, press the next button to get your answer.
3. You must write that song name down no matter how silly it sounds!

*****

1. If someone says "is this okay" you say? Evil by Interpol

2. What would best describe your personality? Hung Up On You by Fountains of Wayne

3. What do you like in a guy/girl? Linger by the Cranberries

4. How do you feel today? Chances by Athlete

5. What is your life's purpose? Peace and Love by Fountains of Wayne

6. What is your motto? Girl by Stereophonics

7. What do your friends think of you? For What It's Worth by the Cranberries

8. What do you think of your parents? The Professional by Sleater - Kidney

9. What do you think about very often? Mr. Brightside by the Killers

10. What do you think of your bestie? Interlock by Stereolab

11. What do you think of the person you like? I love by Athlete

12. What is your life story? She Will Be Loved by Maroon 5

13. What do you want to be when you grow up? Black Swan by Thom Yorke

14. What do you think when you see the person you like? I Miss You Now by Stereophonics

15. What do your parents think of you? Take You On A Cruise - Interpol

16. What will you dance to at your wedding? Yellow by Coldplay

17. What will they play at your funeral? And It Rained All NIght by Thom Yorke

18. What is your hobby/interest? Narc by Interpol

19. What is your biggest fear? Was It a Lie? by Sleater-Kidney

20. What is your biggest secret? Twenty Four Hours by Athlete

21. What song will be the subject when you repost? You Stole My Money Honey by Stereophonics